Philippine
Ang Arci
Ang Arci ay mayroong 5.400 grupo at mahigit na 1.000.000 miyembro, at isang malayang samahan na nagtataguyod ng kawanggawa sa lahat ng taong nangangailangan, tumutulong para magkaroon ng pagkakaisa, at isang lugar na abala sa pagtaguyod ng katahimikan at magkaroon ng karapatan para maging malayang mamamayan, makilala at matulungan ang mahihirap.
Ang Arci at ang mga gawaing kultura
Ang grupo ng Arci ay nagtuturong tumugtog, nag-iinsayo, lumilikha, nag-aaral, umaawit at bumubuo ng drama, at tumutulong para mabigyan ng kalayaang maipakita ang galing, at maipahayag ang pambansa at pang ibang bansang literatura, tula at pakikipag-ugnayan.
Ang Arci at kaugnayan sa politica
Ang mga grupo ay gumagawa ng paraan para makatulong sa mga taong nakakaramdan ng pag-iisa at kalungkutan, takot at kawalang pag-asa. Ang Arci ay abalà: sa proyekto sa nalulong sa bawal na gamot, at para magkaroon ng karapatan ang mga bilanggo, at laban sa hindi pag-kilala sa mga taong nakatira sa mga liblib na lugar, para isama sa grupo ang mga imbalido, at ang may mga kapansanan sa utak, at magkaroon ng karapatan para makapag-aral at para magkaroon ng pantay at magandang kinabukasan, laban sa mga labag sa batas, at sa mga matatanda na magkaroon ng pagkakaabalahan, at ganoon din para sa mga bata.
Ang Arci ay naiiba sa mundo
Para sa katahimikan, katarungan paghuhusga na makatarungan kalayaan ng mga tao, para sa demokrasiya at karapatan, para sa sasamahan na nakaugalian na nakilalang kultura. Ang Arci ay kasapi sa malaking kilusan para sa katahimikan at ganoon din sa buong mundo laban sa globalisasyon sa pandadaya at hindi tamag husga. Sa pamamagitan ng samasamang pagtaguyod ng “Attivarci”, sa mga lugar ng trabaho, sa parte ng turismo, ang Arci ay kasama sa maraming parte ng daigdig, kasama kung sinong may gusto, kahit sa mahirap na sitwasyon na ipagpatuloy ang pagkakaisa at karapatan sa pag-lahok.
Ang Arci, ang mga dayuhan at laban sa mga nang-aapi
Isa sa importanteng tungkulin ng Arci ay ang matulungan ang mga dayuhan: para maipakilala ang kaligtasan at katarungan, at laban sa lahat ng mga nang-aapi. Sa pamamagitan ng mga upisina sa buong Italya at may numero na pwedeng tawagan na walang bayad, ang Arci ay tumutulong sa mga dayuhan, tulad ng mga umiwas sa guera at naghahangad ng pananatili sa bansa, sa pamamagitan ng tulong ng abogado para mag karoon ng kalayaan at karapatang magkatrabaho, matuto ng salitang italyano, tulong na makapag-aral, tulong sa pamilya at mga bata. Ang Arci ay nagtataguyod para maipakilala ang iba’t-ibang grupo sa kultura at tumutulong sa buong mundo para sa karapatan ng mga dayuhan.
Maging sosyo
Ang maging miyembro ng Arci pwede kang magpunta sa lahat ng mga “circoli” sa iyong syudad. Maging aktibong miyembro ng asosasyon, karapatan at tungkulin, maaring magserbisyo at sumali sa mga aktibidad, pati kaalaman at lakas para sa katuparan ng kanilang mga pangarap.
Ang maging miyembro ng Arci, maging responsable para patuloy sa kaisipan ng mga sosyo sa buong circoli: ang kanila at ang iyong hilig maging masaya, palaisipan, palaro at gawain.
Maging sosyo ay:
- Malaman ang “Statuto” ng “circolo” at respetuhin
- Maging aktibo sa aktibidad
- Magkaroon ng karapatan at tungkulin para makasali sa desisyon ng assembly
- Makasali sa diskusyon at kasunduhan sa pondo at gastos, sa pagboto, at kung sinong gustong kumanditato
- Maipakilala ang kahalagahan at dignidad ng mga tao, na walang pagkakaiba ng kasarian, relihiyon, alang-aning kasarian, kung saang galing bansa, karapatang kultura, aksiyon sa toleransiya, sa katahimikan, kooperasyon at damayan
- Paglikha at paglutas ng mga prolema, tulungan ang mga tao na ngangailangan, para sa pagunlad ng kultura sa komunidad
- At sa katapusan huwag mong kalimutan na ang laro, saya at tuwa ay hindi mai-pagpapalit sa lahat ng bagay at pang-sariling karapatan.
Kung paano bumuo ng asosasyon
“Kami ay isang grupo na mang-aawit na gustong subukang tumugtog, at imbitahan ang mga kaibigan para makinig, pero hindi namin alam kung saan dapat ganapin”.
“Hangad naming mag-luto ng mga pag-kaing Pinoy, makinig ng aming awit, mapanood ang aming pelikula, maimbitahan ang mga kababayan. Pero paano kami magkakaroon ng lugar na pwede naming mapagdausan?”
“Ako at ang aking mga kaibigan, gusto namin gumawa ng isang importanteng bagay na makakapagbago sa mundo…Ano ang dapat naming gawin?”
Simple lang ang kasagutan: kung ikaw ay interesado, may hilig, may kusang sumali, bumuo kayo ng asosasyon para makabuo ng grupo na maging Arci.
Ang bumuo ng asosasyon na may paninindigan para sa katuparan ng inyon proyekto. Pwedeng maging isang malaking karanasan sa buhay, na magkakakilala ang lahat, at magkaroon ng aktibidad.
Ang maging miyembro ng Arci ay isang bahagi ng pinakamalaking asosasyon ng kultura at kawanggawa sa Italya.
Ano ang kahulugan ng “circolo”?
Ay isang asosasyon, na hindi natanggap ng kabayaran, sa mga tao na gustong magkaroon ng gawaing pangkultura, aliwan at kawanggawa.
Ano ang mga alituntunin?
- Ang “Atto costitutivo” ay isang kasulatan kung kailan nag simula ang asosasyon.
- Ang “Statuto” ay batas na sumusubaybay ng asosasyon, ang patakaran ng batas ay pantay sa lahat.
- Ang “tessera” (ID ng miyembro) ay nagpapatunay bilang isang kasapi sa aktibidad ng “circolo” at asosasyon.
- Ang “Assemblea” (samahan) ay binuo ng mga miyembro ng “circolo”, nagdidisyon ng programa sa bawat taon, kasunduan sa pondo at gastos, botohan sa mamumuno, “Consiglio direttivo”.
- Ang “Consiglio direttivo” ay siyang nagpapatupad ng programa, namimili ng Presidente, na para sundin ang mga proyekto ng samahan.
- Ang Presidente ay mayroong pananagutan sa asosasyon, ayon sa batas.
Kaylan hindi pwedeng bumuo ng “circolo”?
Ang isang “circolo” ay hindi negosyo o isang bar, ito ay binubuo ng mga tao sa kawanggawa, na hindi tumutanggap ng kabayaran, para sa kapakanan ng mamamayan, kaya walang nagmamay-ari at miyembro na puedeng magmataas.
Pero may posibilidad na maaring magtrabaho sa “circolo”, ayon sa batas, at maaring magkaroon ng sahod sa tamang paraan.
Kung bubuo ka ng asosasyon at maging bahagi sa Arci, ay magkakaroon ka ng serbisyong tulong at tagapayo:
- Tagapayo sa batas, buwis at asosasyon
- Tulong ng abogado at asigurasyon
- Tulong para sa kasunduan na dapat bayaran (komersyo)
- Tulong sa mga gawaing pangkultura, sa kaunlaran ng kawanggawa at kooperasyon maging sa ibang bansa.